Cocoa-Colored Brown (BMS) (by Laureen Uy)
i love the way how she dress up.. modern barbie
perfect gentleman
Siya: sama mo ako pag nag-enroll kah?
Ako: wag na! di ako makakapagboy watching pagkasama kita..
Siya: talaga naman tayo lang titignan ng mga gurls kasi may kasama ka cute
Ako: hala di pwd! nabasa ko sa gate ANIMALS DONT ALLOWed
booOOM.. banat ka pa ahh..
kung ganito naman lagi gigising sayo sa umaga malamang sa alamang gising ka agad…
PETER ADRIAN
sibling rivalry hindi na ata maiiwasan ang ganitong issue sa magkakapatid, kahit sobrang close pa ata kayo ng kapatid mo dadaan at dadaan kayo jan lalo na kung malapit lang ung edad niyo parang kami lang ng mga kapatid ko madalas kami ng kakaroon ng sibling rivalry or asaaran issue. Close naman kami lahat as in we talk, sharing secret, kulitan, lambingan at takipan ng mali pero hindi pa rin namin maiwas magbangayan. 5 kami at halos lahat kami ng away at nagkatampunhan na pero kahit ganun pa man we still love each other madali namin napapatawad ang isa’t isa, dahil din sa mga magulang namin pinalaki nila kami na mahalin ang isa’t-isa. Mga bata palang kami sinanay na kami magkakasama, halos all our life magkakasama kami, naaalala ko pa ung bata ako kaylangan sabay sabay kami kumain, maligo, kung ano meron ung isa meron lahat iba-iba lang ng color, until now naman pero minsan hindi na rin nasusunod siyempre may sarisarili na kaming undentity or differences,. kaya siguro minsan un din ung dahilan pero kahit naman ganun pinipilit pa rin namin sakyan ang trip at gusto ng bawat isa. Lagi sinasabi ni mama at binibilin please man walang away2 or asaran, bigla ko tuloy naalala never nasabi ni mama yan ung mga bata pa kami kahit ung high school na ako, di man kasi kami madalas mgkatampuhan or mg-asaran before lately lang siguro ngkaroon ng ganito., pero kahit naman my ganito kami issue minsan we care each other and we end up na magkakampi pa rin sa huli.
Nakita ko tong post na to sa fb credits dun sa nagsulat una parang tinamad ako basahin pero grabe lang haha ganda ng story :)))
[SHARE] Minsan may Isang PutaTingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala
2nd time around ginawa naman niya ganun edad din ako ung ako ung nasa sitwasyon ng kapatid ko, iba lang ung istorya pero hindi kami matitibag kahit gaano mo pa kami ibaba, sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin pero mas matatag pa kami sa bato, mas gusto kasi namin manahimik nalang at unti unting patunayan kung anung kaya namin,. kung galit ka sa mundo wag mo nalang ibaling sa iba lalo na samin kasi sanay na kami jan, hindi dahil hindi kami umiimik mahina kami mas gusto namin manahimik sa isang sulok at tumahimik dahil tinuruan kami ng mga magulang namin wag pumatol sayo lalo na sa kagaya mo,. dahil irerespeto ka namin,. hindi dahil matanda ka tama ka, dahil kung titignan ung sitwasyon natin mas wala kang respeto sa nakababata sayo.,
bunso: ate kain na!!
mama: ate kain nah..
tita: neng kain kain den!
isa: try mo kumain hindi masama
pinsan: vanessa kain tayo..
mama ulit: BAKEkanGAAAAAAAAAAAA.. kain na..
ako: oo na!.. para anu naman ehh..
nanay ko talaga…
meet my boyfhie.. heheh gurlfhie daw niya ako.. sasapakin daw niya magiging bf ko hahaha..
pinsan ko pala JULO.. 2years palang xa lagi na niya sinasabi gurlfrend niya ako and no he’s 5year old,., naalala ko tuloy ung tumakas ako dahil lagi xa nakabantay sakin at alam niya aalis ako para imeet ung bf ko dahil lagi xa niloloko nila tita,., na pag-umalis ako makikipagmeet lang ako sa bf ko,., kaya aun todo bantay buti now di na maxado lumipat na kasi sila ng house at bumibisita nalang daw pero until now boyfhie pa rin daw kami at sasapakin niya magiging bf ko hahaha
Rule 1: IF TUMBLR’S CREATOR COMES UP ON YOUR DASH, YOU MUST REBLOG.
(Source: ofsparrowsandmockingjays)